‘Saw’ tinalo ng ‘Paw’ sa N. America box office
Nanguna sa North American box office ang bagong kiddie movie ng Paramount na “Paw Patrol 2: The Mighty Movie,” kung saan kumita ito ng tinatayang $23 million nitong weekend.
Ayon sa isang analyst, “This is an excellent opening, and while the “Paw Patrol” series was “not in the league of the Disney, Pixar and Illumination juggernauts,” it also carried a far smaller production budget of around $30 million, and looks to be headed for a profitable future.”
Ang pelikula ay tungkol sa ‘hard-working Paw Patrol puppies’ na mayroong superpowers na nakikipaglaban upang iligtas ang Adventure City. Kabilang sa voice actors nito ay sina Taraji P. Henson, Chris Rock, Serena Williams at McKenna Grace.
A dog dressed as a Paw Patrol character attends the Guinness World Record-breaking screening in support of “Paw Patrol: The Mighty Movie” at the Autry Museum of the American West in Los Angeles, California, Sept 24, 2023. / PHOTO: AFP
Second place naman ang isa pang bagong release, ang horror film ng Lionsgate na “Saw X.” Tinatayang kumita ito ng $18 million sa ticket sales, hindi na masama para sa isang pelikula na $13 million lamang ang budget.
Ayon sa Variety, ang “Saw X” ang una sa violence-filled “Saw” series na nakakuha ng positive reviews.
Nasa ikatlong puwesto ang bagong 20th Century sci-fi thriller na “The Creator,” na kumita ng $14 million. Ito ay napapanahon dahil ang pelikula ay tungkol sa tunggalian sa pagitan ng mga tao at artificial intelligence.
Tampok dito si John David Washington na gumanap sa papel ng isang special agent na ipinadala para puksain ang Creator. Bida rin dito sina Gemma Chan, Ken Watanabe at Allison Janney.
Pang-apat sa puwesto ang dating box office leader sa nakalipas na tatlong weekends. Ang spinoff na ito ng “Conjuring” series mula sa Warner Bros., at pinagbibidahan ni Taissa Farmiga ay kumita ng $4.7 million.
Isa pang bagong release ang pumasok sa pang-limang puwesto. Ito ay ang “The Blind” ng Fathom Events na kumita ng $4.1 million. Ang setting nito ay sa Louisiana swamps noong 1960s. Halaw ito sa ‘real-life struggles’ ng “Duck Dynasty” star na si Phil Robertson.
Sa pangkalahatan, ang kinita ng box office ay mababa ng 15.5 percent mula sa nagdaang taon, at ito ay sa kabila ng napakalaking tagumpay ng “Barbie,” na ngayon ay umabot na sa $1.43 billion ang kinita sa buong mundo.
Narito naman ang kukumpleto sa talaan ng top 10:
No. 6 – “A Haunting in Venice” ($3.8 million)
No. 7 – “Dumb Money” ($3.5 million)
No. 8 – “The Equalizer 3” ($2.7 million)
No. 9 – “Expendables” ($2.5 million)
No. 10 – “Barbie” ($1.4 million)