SC at CA nagsagawa ng unannounced fire and bomb evacuation drill
Nagsagawa ng “unannounced fire and bomb threat evacuation drill” ang Korte Suprema at Court of Appeals nitong Huwebes.
Sa Supreme Court, nagsilabasan ang mga empleyado at mga bisita bandang 2:45 pm hanggang alas tres ng hapon.
Sinabi ni SC spokesperson Atty. Camille Ting, “The Acting Chief Justice, with the approval of the en banc, conducted an unannounced fire and bomb threat evacuation drill at the Supreme Court and Court of Appeals today, August 29, 2024, at around 2:45pm.”
Pansamantala ring isinara ang Padre Faura Street sa mga sasakyan.
Pinapasok ang mga empleyado bago mag alas-3:30 ng hapon matapos ang “panelling.”
Noong una ay inakala ng mga kawani at media na may kumpirmadong bomb threat na natanggap ang SC, matapos na dumating ang bomb squad mula sa NCRPO at K9 units mula sa Philippine Coast Guard.
Kinumpirma rin noong una ng pulisya na positibo ang bomb threat na natanggap sa email ang SC.
Pero nilinaw ng Korte Suprema na ang nasabing drill ay hindi rin nila inanunsiyo sa pulisya at coast guard.
Ayon pa kay Ting, “This is just an unannounced drill, even to the police and coastguard.”
Aniya, pinagtibay ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang naturang unannounced drill.
Moira EncinA-CruzSC at CA nagsagawa ng unannounced fire and bomb evacuation drill