SC isinasapinal pa rin ang rules sa paggamit ng body-worn cameras sa pagsisilbi ng search at arrest warrants
Isinasapinal pa ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang rules sa paggamit ng body-worn cameras ng mga alagad ng batas sa pagsisilbi ng search, seizure, at arrest warrants.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, hindi pa inilalabas ng Court En Banc ang nasabing rules.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Hosaka matapos na ihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong opisyal ng Integrated Bar of the Philippines na promulgated na ang nabanggit na rules.
Batay sa speech ni Gesmundo, binalanse nila ang binuong rules para matiyak na marerespeto ang karapatan ng mga indibidwal at epektibong maggaganap ng mga law enforcers ang kanilang tungkulin sa mga operasyon nito.
As our police authorities have publicly announced the use of body worn cameras (BWC) in their operations, the Court promulgated A.M. No. 00-5-03-SC, the Rules on the Use of Body-Worn Cameras, which adopted this innovation in the service of arrest and search warrants, while maintaining the delicate balance between the constitutional rights of persons involved and the efficient operations of law enforcement officers.
Chief Justice Alexander Gesmundo
Una nang inihayag ni Gesmundo sa courtesy call sa kanya ng mga PNP officials noong nakaraang Biyernes na ang pangunahing layunin ng binubuo nilang panuntunan ay masiguro na hindi mababalewala ang constitutional rights ng mga tao at mabibigyan din ng leeway ang law enforcers para epektibo nilang magampanan ang kanilang trabaho.
Moira Encina