SC justices ininspeksyon ang pagtatayuan ng Cagayan De Oro Judicial Complex
Nag-ocular inspection ang ilang mahistrado ng Korte Suprema sa lugar na pagtatayuan ng Cagayan De Oro Judicial Complex.
Ito ay partikular sa Indahag, Cagayan De Oro City.
Si Associate Justice Jhosep Lopez na Co-Chairperson ng Halls of Justice Coordinating Committee for Visayas and Mindanao Projects (HOJCC VisMin) ang nanguna sa inspeksyon.
Ayon sa Supreme Court, ilan sa mga itatayo sa judicial complex ay ang hall of justice para sa first at second level courts sa CDO at ang Court of Appeals Mindanao Station.
Tiniyak ng SC ang committment nito sa pagpapabilis sa mga infrastructure projects sa hudikatura.
Ito ay sa pamamagitan ng paglikha ng special committees para pangasiwaan ang konstruksyon ng mga proyekto sa buong bansa.
Kasama ni Justice Lopez ang tatlong iba pang mahistrado ng Korte Suprema at mga justices at opisyal ng CA.
Moira Encina