SC naglatag ng virtual activities para sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Marso
Naghanda ang Korte Suprema ng serye ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Marso.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ang mga virtual activities na inilatag ng SC Office of Administrative Services ay alinsunod sa tema ng International Women’s Day na “Women in Leadership: Achieving an equal future in a COVID-19 world.”
Una sa mga aktibidad ay ang online forum series na mapapanood sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook page ng Philippine Commission on Women mula March 3 hanggang 31.
May serye rin ng online seminars sa mga batas na nagpuprotekta sa mga kababaihan na ZOOMinars for Women Empowerment.
Kasama rin sa line up ang film showing na tinatawag na Quarantflick kung saan ang mga lalahok ay mapapanood ng libre ang pelikula na ‘Ang Huling Cha-Cha ni Anita’ na susundan ng Q&A sa direktor.
Hinihikayat din ang mga empleyado ng Korte Suprema na magsuot ng purple sa March 1.
Ang pagdiriwang ng Women’s Month ay continued campaign ng SC para sa women empowerment at kilalanin ang kontribusyon ng mga kababaihan sa national development.
Moira Encina