SC nagsasagawa ng executive session kasama ang DND at AFP officials kaugnay sa Martial Law sa Mindanao; Defense Sec. Lorenzana at AFP Chief Año dumalo

sc

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Nagsagawa ng executive session ang Korte Suprema kasama ang mga opisyal ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kaugnay sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

Ito ay matapos pagbigyan ng mga mahistrado ng Supreme Court ang kahilingan ng Office of the Solicitor General ng executive session dahil sa pangamba na may mga sensitibong impormasyon sa usaping pangseguridad ng bansa na maibahagi ang mga opisyal ng militar.

Kasama sa mga humarap sa mga mahistrado sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año.

Si Lorenzana ang tumatayong Martial Law administrator at si Ano naman ang Martial Law implementor.

Nasa executive session din sina Solicitor General Jose Calida, at ang iba pang matataas na opisyal ng AFP at mga abogado ng Defense Department.

Sa oras na matapos ang oral arguments ngayong ay kailangang magsumite ng memoranda ang lahat ng partido sa kaso sa June 19.

Sa July 5 naman inaasahang ilalabas ng Supreme Court ang desisyon kung papaboran nito o hindi ang mga petisyon na ipawalang bisa ang Martial Law sa Mindanao.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *