SC pinaboran ang hirit na TRO ng ilang diniskuwalipika at idineklarang nuisance candidates ng Comelec para sa 2025 elections
Nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na nagdiskuwalipika at nagdeklarang nuisance candidates sa ilang petitioners sa 2025 elections.
Kabilang sa mga ipinahinto ng Supreme Court ang implementasyon sa resolusyon ng Comelec na nagdeklarang nuisance candidates kina Subair Mustapha sa pagka-senador at
at Charles Savellano sa pagiging kinatawan ng Ilocos Sur 1st District.
Pinigil din ng SC ang pagbasura ng poll body sa aplikasyon ni Chito Balintay na miyembro ng indigeneous peoples sa Zambales sa pagkandidato bilang Zambales governor kaya hindi ito nakapaghain ng CoC.
Pinagbigyan din ng Korte Suprema ang mga petisyon nina Edgar Erice at Florendo Ritualo Jr laban sa pagdiskuwapika at pagkansela sa CoC ng mga ito.
Inatasan ng SC ang Comelec na magsumite ng komente sa mga petisyon sa loob ng 10 araw.
Matatandaang sinimulan na noong nakaraang linggo ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan sa Mayo.
Moira Encina-Cruz