SC pinagtibay ang guidelines sa paggamit ng gender-fair language sa hudikatura
Bumuo na ang Korte Suprema ng mga panuntunan sa paggamit ng gender-fair language at gender-fair courtroom etiquette.
Pinagtibay sa En Banc session ng Supreme Court ang organic guidelines na layuning malabanan ang sexist language sa mga hukuman.
Ayon sa SC, hindi dapat magpalaganap ang mga korte ng gender stereotypes maging sa wika na ginagamit.
Sa ilalim ng guidelines, hinihimok ang paggamit ng non-sexist language sa mga official documents, communications, at issuances ng mga hukuman.
Pinaiiwasan naman ang paggamit ng mga masculine terms para sa mga propesyon o trabaho.
Halimbawa sa halip na chairman ay chairperson, business owners sa halip na businessmen, o person sa halip na man, at humanity sa halip na mankind.
Sinabi pa ng SC na ang sexist language ay nagpapawalang halaga sa mga kababaihan at nagpapalaganap ng gender inequality.
Una nang iminungkahi ni SC Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary Chairperson at Associate Justice Amy Lazaro-Javier ang pagbuo ng sariling guidelines ng hudikatura.
Ito ay kasunod ng pagsasabatas ng Safe Spaces Act na nagbabawal at nagpaparusa sa ilang porma ng gender-based sexual harassment.
Moira Encina