SC pinagtibay ang mga batas na nagbibigay ng 20% discount sa gamot ng Senior Citizens at PWD’s

Kinatigan ng Korte Suprema ang legalidad ng ilang probisyon ng Expanded Senior Citizens Act at Magna Carta for Disabled Persons na nag-ugat sa mga petisyon na inihain ng ilang drug company.

Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Justice Bienvenido Reyes, ibinasura nito ang mga petisyon ng Southern Luzon Drug Corporation na kumukwestyon sa naging desisyon ng Court of Appeals na nagpapatibay sa 20% na diskwento sa gamot para sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities.

Dahil dito, idineklara ng Supreme Court na constitutional ang section 4(a) ng RA 9257 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 at section 32 ngRA 9442 o Magna Carta for Disabled Persons na tumutukoy sa diskwento sa gamot.

Nais ng mga petitioner na ipagbawal ng hukuman ang implementasyon ng mga naturang probisyon ng dalawang batas dahil nakakaapekto ito sa kanilang kita.

Ayon sa ruling ng Korte Suprema, may probisyon  naman sa mga nasabing batas para kasuhan ng mga kumpanya ang mga aabuso sa ipinagkakaloob na diskwento.

Dapat din aniyang makipag-ugnayan ang mga concerned establishment sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagmonitor sa implementasyon ng batas para matiyak na ang mga intended beneficiaries lamang ang makikinabang sa diskwento sa gamot.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *