SC Spokesperson Atty Brian Keith Hosaka itinalagang commissioner ng Governance Commission for GOCCs ni PBBM
Hinirang na commissioner ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Assistant Court Administrator at Public Information Office Chief Brian Keith Hosaka.
Ito ang kinumpirma ng Korte Suprema sa inilabas nitong statement.
Ayon sa Korte Suprema, bago ang appointment ni Hosaka sa GCG ay itinalaga itong PIO chief at tagapagsalita ng tatlong punong mahistrado.
Naging instrumental din umano si Hosaka sa pagsulong ng ilang inisyatiba na lalong nagpaigting sa information dissemination ukol sa Supreme Court at sa mga aktibidad nito kaya nailapit sa publiko ang Kataas-taasang Hukuman.
Si Hosaka ay nag-aral sa Ateneo de Manila University mula elementarya hanggang sa magtapos ito ng law school doon noong 1998.
Bago siya naging SC PIO chief, naging founding partner ito ng Paner Hosaka & Ypil Attorneys-at-Law at Deputy General Counsel ng Integrated Bar of the Philippines.
Moira Encina