Science and Technology fair and exhibits ng DOST- NCR isinagawa sa CAMANAVA area samantala MSME’s sa naturang lugar pauunlarin sa pamamagitan ng programang set up o Small Enterprise Technology upgrading program
Isinagawa ng DOST – NCR sa pakikipagtulungan sa technology application and promotion institute o TAPI at ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang science and technology fair and exhibits.
Ito ay idinaos sa CAMANAVA area o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang nabanggit na aktibidad ay kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week 2017 na may temang “science for the people”
Samantala, nagkakaloob naman ang programang set up o small enterprise technology upgrading program ng full package assistance.
Sa kasalukuyan, mayroong 67 mga kumpanya sa CAMANAVA na nasa ilalim ng DOST – NCR’s set up.
Nagbunga ito ng karagdagang trabaho, at nakinabang ang may mahigit na apat na libong participants na dumalo sa mga technical trainings na ibinigay ng mahigit na 900 firms.
Ulat ni: Anabelle Surara