Scottish sweets ipamimigay sa Oscars
Isang vegan chocolatier sa isang liblib na Scottish port town ang gumawa ng confectionary na ipamamahagi sa Oscars.
Ipamimigay kina Bradley Cooper, Emma Stone at iba pang VIPs sa pinakamalaking annual night ng cinema, at sa bawat nominado sa main categories ang isang box ng luxury chocolates ni Fiona McArthur.
Noon lamang 2019 binuksan ng 37-anyos na si McArthur ang maliit niyang chocolate shop sa Campbeltown, western Scotland, ngunit hindi nagtagal ay nakuha nito ang atensiyon ng kompanyang responsable sa pag-aasikaso ng goody bags para sa Academy Awards.
Noong una ay inakala niyang isa lamang iyong “hoax.”
Fetcha Chocolates owner Fiona McArthur first thought it was a hoax / Andy Buchanan / AFP
Subalit makaraan niyang beripikahin online ang kompanya, ay napagtanto niyang tunay ang alok sa kaniya na pangasiwaan ang ipamimigay na gift packs na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar para sa March 10 ceremony.
Sinabi ni McArthur, “It’s mind blowing! I can’t believe it still.”
Ang “Fetcha” ay pinatatakbo at pag-aari ni McArthur.
Aniya, “The best director, best actor, actress, supporting actor and supporting actress, they all get one of my boxes. I’m really excited, it’s amazing!”
Pinanood ni McArthur na isang ‘film buff’ ang karamihan sa mga nominadong pelikula sa kanilang local art-deco cinema na binuksan noong 1913, dala ang isang notebook upang magtala ng mga ideya para sa tailor-made boxes.
Sa huli ay nagdisenyo siya ng anim na iba’t ibang vegan chocolates na inspired ng pinakamalalaking pelikula ngayong taon.
McArthur designed six different vegan chocolates inspired by this year’s biggest films / Andy Buchanan / AFP
Ang “Oppenheimer” chocolate, na inspired ng 13-Oscars nominated drama tungkol sa ama ng atomic bomb, ay nakakamukha ng isang bola ng apoy.
Paliwanag niya, “The yellow and orange truffle has a hard shell with popping candy ‘so when you bite through, it kind of explodes in your mouth’ with a chilli after-burn that heats up your tongue.”
Ang tsokolate para sa dark comedy na “Poor Things” na istorya ng isang babaeng “Frankenstein” at nominado para sa 11 awards ay ibinase naman niya sa Portuguese “pastel de nata” egg tarts.
Ang loob nito ay custard flavoured, na may cinnamon sa ibabaw upang magmukhang baked goodie sa halip na candy.
Ang “Barbie” ay kinakatawan naman ng isang hugis pusong pink chocolate na strawberry flavored at rose.
Pero ayon kay McArthur, “The hearts are ‘kind of rough… like her journey through Barbieland into the real world is not a smooth journey’ it’s full of angles.”
For ‘Maestro’, about US composer Leonard Bernstein, she used cocoa butter to draw musical note bars / Andy Buchanan / AFP
Para sa “Maestro,” na tungkol sa legendary US composer at conductor na si Leonard Bernstein, ay gumawa siya ng musical note bars mula sa cocoa butter.
Ang tsokolate ay may salt and pepper filling upang kumatawan sa buhay ni Bernstein at kaniyang asawang si Felicia.
Dark chocolate and caramel ganache with flecks of lilac, yellow and green for Scorsese’s ‘Killers of the Flower Moon’ / Andy Buchanan / AFP
Pinarangalan naman niya ang “Killers of the Flower Moon” ni Martin Scorsese gamit ang dark chocolate at caramel ganache na may flecks ng lilac, yellow at green.
Nireimagine niya ang “The Holdovers” bilang isang dark chocolate shell na may cherry at ice cream interior.
Bago niya sinelyuhan ang mga chocolate box at ipinadala sa Los Angeles, gumawa ng isang booklet si McArthur at inilagay sa loob na kinasusulatan ng paliwanag tungkol sa mga inspirasyon sa likod ng kaniyang sweet creations.
Si McArthur ay isang vegan, at napansin niyang ilan sa mga nominee ay vegan din gaya ni Emma Stone at Paul Giamatti.
Hindi siya gumagamit ng pastic at nangakong magtatanim ng puno sa bawat order.
Aniya, “My vegan, gluten-free chocolates are made with organic and fair-trade ingredients “as far as possible,” and my Oscars creations are alcohol-free.”
Dagdag pa niya, “The chocolate is made with rice milk powder. And then a lot of the chocolates that I make have ganache on the inside and so I use a water ganache.”
Ang kaniyang papel sa Oscars ay naging daan upang magkaroon ng celebrity status ang Campbeltown, kung saan kapag nakikita siya ng mga tao sa daan ay binabati siya ng mga ito ng congratulations.
McArthur’s small chocolate shop is in Campbeltown, western Scotland / Andy Buchanan / AFP
Hindi na rin nila kinaya ng kaniyang ina na katuwang niya sa shop, na matugunan ang demand ng mga taga Campbeltown para sa Oscars assortment.
Kaya naglagay na sila ng isang placard sa bintana kung saan mababasa na “We are sorry, the Awards collection is out of stock.”
Nakadisplay din sa bintana ang isang maliit na red carpet at isang sign na may nakasulat na “Fetcha is going to Hollywood.”