Sea spiders, may kakayahan na muling patubuin ang mga bahagi ng kanilang katawan hindi lang mga paa, ayon sa pag-aaral
Kaya ng sea spiders na muling magpatubo ng mga bahagi ng katawan hindi lamang ng mga paa pagkatapos na iyon ay maputol. Ayon ito sa isang inilabas na pag-aaral na maaaring magbigay daan para sa karagdagang siyentipikong pananaliksik sa “regeneration.”
Sinabi ni Gerhard Scholtz ng Humboldt University sa Berlin, senior author ng pag-aaral na nalathala sa Proceedings of the National Academy of Sciences, “Nobody had expected this. We were the first to show that this is possible.”
Marami nang mga dokumento na nagpapakitang maraming iba’t ibang uri ng arthropods gaya ng alupihan, gagamba, at iba pang mga insekto, ang may kakayahang muling magpatubo ng mga paa kapag iyon ay naputol.
Ayon kay Scholtz, “Crabs can even automatically get rid of their limbs if they are attacked. They replace it by a new limb.”
Ang nadiskubre ng mga mananaliksik sa kanilang eksperimento, ay kaya ng maliliit na eight-legged sea spiders na muling patubuin ang mga bahagi ng kanilang katawan bukod sa kanilang mga paa.
Para sa pag-aaral, pinutol nila ang iba’t ibang paa sa likuran at posterior parts ng 23 immature at adult sea spiders at binantayan ang resulta.
Walang nangyaring regeneration o muling pagtubo sa mga bahagi ng katawan ng adult sea spiders, ngunit ang ilan sa kanila ay namalaging buhay makalipas ang dalawang taon.
Sa kabilang banda naman, ang mga mas batang sea spiders ay nagkaroon ng kumpleto o halos kumpletong regeneration ng naputol nilang body parts, kabilang ang hindgut, anus, musculature, at bahagi ng reproductive organs.
Siyamnapung porsyento ng sea spiders ang naka-survive sa mahabang panahon at 16 na mas bata naman ang nagpatuloy na mag-molt (magpalit ng lumang balat, balahibo o shell para bigyang daan ang bago) kahit isang beses man lang.
Ang muling pagtubo ng posterior parts ay naobserbahan sa 14 sa mas batang sea spiders habang wala naman sa adult specimens ang nag-molt o muling nakapagpatubo.
Ang kakayahang mag-regenerate ay magkaka-iba sa kabuuan ng animal kingdom. Ang flatworms, halimbawa, ay may kakayahang muling magpatubo ng mga bahagi ng kanilang katawan mula sa kakaunting cells.
Ang vertebrates, na kinabibilangan ng mga tao, ay birtuwal na walang kakayang muling magpatubo maliban sa ilan gaya ng mga butiki na kayang muling magpatubo ng buntot.
Ayon kay Scholtz, ang findings ay maaaring magbigay ng daan para sa dagdag pang pananaliksik tungkol sa regeneration.
Aniya, “There’s a wealth of different species that can be tested in this way. The next step may be to try to discover the mechanism behind the regrowth. We can try to find out on the cellular level and the molecular level what indicates the regeneration.”
Dagdag pa niya, “Perhaps there are stem cells involved which are undifferentiated cells that can assume new shape and fate? In the end, maybe the mechanisms we detect in arthropods may help medical treatments of limb loss or finger loss and so on in humans. This is always the hope.”
© Agence France-Presse