Seafood Rain

                                            photo credit: metro.co.uk

 

Literal na umulan ng pugita, starfish at hipon nito lamang nakalipas na linggo, sa Coastal city ng Qingdao sa Shandong province sa China.

Hinampas kasi ang Qingdao ng malakas na bagyo na nagpatumba sa mga puno at malalaking poste, nagpabaha sa mga kalsada at naging sanhi upang hindi na halos umusad ang trapiko.

Subalit bukod dito ay may isang kakaibang pangyayari na umagaw ng pansin ng mga motoristang na-stranded sa mga kalsada, ito ay ang pag-ulan ng iba’t-ibang lamang-dagat.

Nagbagsakan mula sa himpapawid ang mga pugita, starfish, hipon at iba’t-ibang shellfish, kung saan ang ilan ay tumama sa windshields ng mga sasakyan.

Ayon sa mga Meteorologists, ang mga lamang dagat ay maaaring nahigop mula sa dagat ng isang waterspout, at humagis sa ere sanhi ng malakas na hangin.

Dahil sa mga litratong na-post sa microblogging platform ng China na Weibo at i-shinare naman ng National weather agency, ay nag-trending ang naturang pangyayari na pinamagatan nilang “Seafood rain.”

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *