Second dose ng vaccination kontra COVID-19 sa Skydome sa QC, dinagsa
Dumagsa ang mga nagpabakuna para sa ikalawang dose ng Covid vaccine, sa isang malaking mall sa Lungsod ng Quezon.
Maaga pa lang ay pumila na ang mga nais nang makatanggap ng kanilang bakuna, na nasa kategoryang A3 hanggang A5 priority.
Ang iba sa kanila ay mula sa kani-kanilang tahanan, na pupunta pa lamang sa kanilang trabaho.
Moderna mula sa US Pharmaceutical Company ang tinanggap ng mga nagpabakuna.
Mahigpit namang ipinatupad ang minimum health protocol sa vaccination area.
Ang mga wala sa nakatakdang schedule ng kanilang 2nd dose vaccine maging ang ilang walk-in, ay hindi na nakapasok sa vaccination area.
Wala namang naging pagbabago sa proseso ng pagtanggap ng 2nd dose, dahil dadaan pa rin sa registration o confirmation bago matanggap ang kanilang 2nd dose vaccine.
May isinasagawa pa ring screening ang mga doktor kung maari nilang tanggapin ang kanilang 2nd dose mula sa resulta o naramdaman nila sa unang dose.
Ang mga nabakunahan ay hindi agad pinapauwi kundi dadaan pa sa monitoring, at kung maayos na ang lagay ng nabakunahan ay saka pa lamang ito tuluyang maka-aalis sa area.
Julius Elpedes