Secretariat to Secretariat meeting,  isinagawa ng Asean at UN sa Jakarta, Indonesia. Kahalagahan ng Regional Economic Cooperation and Integration magbibigay oportunidad sa Asean at UN

 

Nagsagawa ng Secretariat to Secretariat meeting ang Asean at ang United Nations sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay pinangunahan nina Asean Secretary General Dato Lim Jock Hoi at ni Mr. Miroslav Jenča, na siyang Assistant Secretary-General for Political affairs ng United Nations kasama ang ilang mga delegado mula sa tanggapan ng UN, at mga Asean Deputy Secretary General at mga opisyal nito.

Sa kanilang pagpupulong tinalakay ng magkabilang panig ang nilalaman ng implementation of the first Asean-UN Plan of action (2016-2020), kabilang na ang Cooperation in Peace and Security, Transnational political-security challenges, Counter-terrorism and Preventing violent extremism, maging ang Human rights and humanitarian developments.

Binigyang-diin rin sa naturang pagpupulong kahalagahan ng Regional Economic cooperation and integration na siya namang magbibigay daan at oportunidad para matupad ang kaunlarang hinahangad ng mga bansa sa asean region maging ang pagsasakatuparan ng un 2030 agenda for Sustainable development at ang asean community vision 2025.

Binigyang diin rin ni Asean secretary general Lim Jock Hoi ang kahalagahan ng Network on  Regional and Global mechanisms, para epektibong magkaroon ng mutual reinforcement para matugunan ang mga krisis at hamong maari pang kaharapin ng Asean at United Nations sa hinaharap na panahon.

Sinabi naman ni UN Assistant Secretary Jenča, mahalaga ang kooperasyon ng Asean at UN padating sa pagsusulong ng mga reform agenda na magpapalawak pa at magpapatibay ng cooperation sa UN at Asean maging sa mga Regional partners nito. mas matutugunan din aniya ang pagmonitor sa lahat ng uri ng banta, na kailangang tugunan at sama-samang solusyunan para sa kapakanan ng lahat.

Kasabay nito, muli namang nagpahayag ng pangangako ang Asean at United Nation ng kanilang determinasyong ipagpatuloy pa ang matibay nitong ugnayan at matatag na kooperasyon sa isa’t-isa.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *