Secretary Abdullah Mama-o, kinumusta ang mga empleyado ng POEA
Mga empleado ng POEA ang unang kinumusta ni Secretary Abdullah Mama-o sa kaniyang unang araw sa pwesto bilang kalihim ng Department of Migrant Workers.
Nakigpagpulong siya sa mga empleado kanina at inilatag ang kaniyang mga magiging programa sa nalalabing halos apat na buwan ng Duterte Administration.
Bubuo rin ito ng komite na bubuo ng implementing rules and regulations para pag- isahin na ang lahat ng ahensyang may kinalaman sa mga Overseas Filipino Workers.
Kasama rin sa kaniyang agenda ang expansion ng recruitment para sa mga manggagawang pinoy at pakikipagdayalogo sa gobyerno ng Saudi Arabia dahil sa hindi pa rin nababayarang mga OFW ng dalawang kumpanya doon na nalugi at nagsara .
Suspendido rin hanggang ngayon ang pagrerecruit ng mga domestic workers doon dahil sa mga reklamo ng pang – aabuso.
Dahil wala pang budget ang Department of migrant workers, pansamantala siyang mag -oopisina sa tanggapan ng POEA.
Meanne Corvera