Security personel sa Lanao, mamalagi hanggang humupa ang tensiyon
Hindi papayag si Philippine National Police Director General Oscar Albayalde na makalapit sa lugar ng bilangan ang mga Moro Islamic Liberation front o MILF members at supporters.
Dumating sa Lanao del Norte ang nasa 12,000 MILF members at supporters nito upang mag-obserba sa bilangan.
Tiniyak ni Albayalde na hindi na mauulit ng mga tauhan ni Kumander Bravo ang ginawa nila noong taong 2008 kung saan inatake nila ang dalawang bayan ng Lanao del Norte matapos pumalya ang usapin ng BBL sa bansang Malaysia.
Samantala sinagot naman ni Atty. Joseph Hamilton Cuevas, Provincial Election Supervisor ang mga usap-usapan, na baka manamantala ang ilang Pro-BOL supporter na papasok sa presinto para magpasok ng boto.
Ayon sa Comelec, opisyal na mahigpit ang kanilang monitoring team sa bawat presinto kung kaya imposible na makalusot ang mga taong walang karapatan sa pagboto.
Ulat ni Ely Dumaboc