Seguridad sa Southern border ng bansa, hinigpitan upang mapigilan ang pagpasok ng Delta variant
Nagtalaga ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa Timugang bahagi ng bansa partikular sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi upang mapalakas ang monitoring at pagpapatrolya laban sa pangamba ng pagpasok ng Delta variant mula sa kalapit bansang Indonesia na mataas ang kaso ng Delta variant.
Nagtungo ng personal si Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar sa nasabing mga lalawigan upang alamin ang kalagayang pangseguridad at kaligtasan ng mga residente laban sa patuloy na banta ng Covid-19 at upang mapigilan ang iligal na pagpasok ng mga hindi residente.
Ang southern border ng Pilipinas ang napapaulat kasi na ginagawang entry at exit ng mga smuggling activities lalu na ang mga mula Indonesia at Malaysia.
Kabilang ang Indonesia sa travel ban ng Pilipinas dahil sa Covid-19 variant cases.