Self-destruct order ipinadala sa isang Japanese rocket dahil sa failed launch
Sinabi ng space agency ng Japan, na nagpadala ito ng isang self-destruct order sa kanilang Epsilon rocket makaraan ang nabigong launching nitong Miyerkoles, dahil sa isang problema na nangangahulugang hindi ito ligtas para lumipad.
Ang rocket na nasa kaniya nang ika-anim na misyon, ay nagdadala ng satellites sa kalawakan para sa demonstrasyon ng “innovative” technologies ng Japan.
Sinabi ng isang opisyal ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) sa televised comments, “The rocket can’t continue a safe flight, because of the danger it would create if it falls on the ground. So we took measures to avoid such an incident, and we sent the signal (to destroy the rocket),” at idinagdag na ang sanhi ng isyu ay hindi pa agad malaman.
Ito ang unang bigong rocket launch ng Japan simula noong 2003, at ayon sa report, ang self-destruct order ay ibinigay halos sampung minuto makaraan ang liftoff nito.
Biglang nagkaroon ng interruption sa livestream ng JAXA sa launching ng rocket mula sa Uchinoura Space Center sa Kagoshima sa southern Japan, at sinabi ng mga presenter na nagkaroon ng problema pero walang ibinigay na detalye.
Ang solid-fuel Epsilon rocket na noong 2013 pa ginagamit, ay mas maliit kaysa naunang liquid-fueled model, at sa isang successor na solid-fuel “M-5” rocket na nagretiro na noong 2006 dahil sa mataas na gugulin.
Batay sa paglalarawan ng JAXA sa Epsilon, “It is solid-fuel rocket designed to lower the threshold to space… and usher in an age in which everyone can make active use of space”.
Ayon naman sa isang JAXA fact sheet tungkol sa mission na pinangalanang “Innovative Satellite Technology Demonstration-3,” ang isang box-shaped satellite na dala ng rocket, na tinatawag na RAISE-3, ay nakatakda sanang lumibot sa mundo nang hindi bababa sa isang taon.
Ayon pa sa fact sheet, bukod sa RAISE-3, walo pang microsatellites ang ilulunsad ng Epsilon rocket.
Ang huling nabigong space rocket take-off ng Japan ay nangyari noong 2003, nang hindi na ituloy ng bansa ang paglulunsad sa isang pares ng spy satellites para i-monitor ang North Korea.
© Agence France-Presse