Self-driving bus experiment, inilunsad ng Seoul, South Korea
Inilunsad ng Seoul, South Korea ang una nilang self-driving na ruta ng bus, bahagi ng isang eksperimento na ayon sa mga inhinyero ay may layuning gawing mas komportable ang mga tao sa mga walang driver na sasakyan sa mga kalsada.
Ang mga bagong sasakyan ay hindi nakakamukha ng isang regular na bus at mayroon itong “rounded edges,” at malalaking bintana kaya’t mas mukha pa itong laruan kaysa isang “technological breakthrough.”
Ang disenyo ay sinadya ayon kay Jeong Seong-gyun, pinuno ng autonomous driving sa 42 Dot, ang start-up na responsable para sa self-driving technology na ngayon ay pag-aari na ng Hyundai.
Aniya, “This is the future. The bus required a considerable new type of design. It looks a bit “like Lego” and is made of composite parts to help keep costs down and make it easy to replicate. It uses cameras and radar to navigate the way instead of expensive sensors.”
Target ng kompanya na gawing mura ang teknolohiya, ligtas at madaling mailipat sa maraming uri ng sasakyan sa hinaharap, halimbawa, sa mga delivery truck.
Sa ngayon, ang bus na may isang safety driver na mahigpit na nakabantay, ay liligid nang walang nagmamaneho sa 3.4-kilometrong (2.1-milya) circuit sa downtown Seoul na tatagal nang humigit-kumulang 20 minuto.
Ang publiko ay maaaring sumakay sa dalawang nakatalagang hintuan, pagkatapos nilang mag-book para sa “free seat” sa pamamagitan ng isang app.
Ayon sa 68-anyos na si Kim Yi hae-ran pagkatapos ng kaniyang 20-minutong pagsakay nang ilunsad ang bus, “I feel like I’ve just hopped into a time machine to visit the future. I thought it might make me dizzy from a sudden acceleration but I didn’t feel any of it. The ride felt “very smooth and safe,” and made me feel proud of the technological progress the South Korean company has made.”
© Agence France-Presse