Selfie ‘museum’ ng Sweden patok
Patok ang isang bagong selfie “museum” sa Sweden, dahil ginagawa nitong kapwa artist at exhibit ang mga bisita.
Ang “Youseum” sa Stockholm ay walang works of art sa kanilang mga dingding. Sa halip, ang silid nito na may matitingkad na mga dekorasyon ay upang magsilbing ‘fun backgrounds’ para sa selfies o videos ng mga bisita.
Sinabi ng manager na si Sofia Makinieni . . . “You can take cool pictures and create cool content for your Instagram… This is the perfect place to do Tiktoks,” habang ipinakikita ang “Emoji Room” na puno ng asul at dilaw na bolang may smiley at frowning faces.
Sa ibang silid ay puwede mong ilubog ang iyong sarili sa candy-coloured foam sticks, mag-pose sa ilalim ng neon lights, o umupo sa isang higanteng pink swing para sa susunod mong profile picture.
Ayon sa 18-anyos na si Zeneb Elmani na bumisita sa lugar kasama ang isang grupo ng mga kaibigan . . . “You have the lighting, you have the Tiktok music, you have snacks, you have all the things that we like.” Naibigan ni Elmani ang “2020s era” vibe ng lugar.
Para kay Makiniemi, ang Youseum, na nasa isang shopping mall, ay magbibigay ng pagkakataon sa mga bisita na maging artists sa sarili nila, kahit na hindi ikinukonsidera ng isang tipikal na influencer na art ang kanilang larawan.
Aniya . . . “It’s an interactive museum where you can create the art you want to see.” Ang konsepto ng Youseum ay nagsimula sa Netherlands, kung saan mayroon na silang dalawa.
Dahil sa lalong lumalaganap ang social media, lumaki ang mga alalahanin tungkol sa mga panganib nito, lalo na ang epekto nito sa kalusugan ng isip ng mga kabataan, lalo na sa mga batang babae.
Sinabi ni Makiniemi . . . “It is a big part of our society today, so why not try to make it more creative.”
Ayon naman sa 18-anyos na bisita na si Chaymae Ouanchi . . . “I think this place is cute for people who love to take pictures, like my friends…Oh my god it’s so cute,”
Bagama’t maaaring kutyain ng mga matatandang henerasyon ang ideya ng isang museo na nakatuon sa tila “self-indulgent practice of photographing yourself,” sinabi ng 70-taong-gulang na propesor na si Bill Burgwinkle na bumisita kasama ang kanyang teenager na pamangking babae, na dapat itong tanggapin.
Aniya . . . “I think it’s too late to worry. It’s the way the world is now. The unorthodox museum seems to serve its purpose”.