Semi lockdown sa gusali ng Senado,Iniutos ni Senate President Vicente Sotto
Tatlong empleado na nagke cater sa Senado ang nagpositibo sa COVID- 19.
Dahil dito, iniutos na ni Senate President Vicente Sotto ANG implementasyon ng semi lockdown sa gusali ng Senado
Sarado muna ang executive lounge at canteen epektibo ngayong araw para makapagsagawa ng disinfection.
Pinayuhan ang mga empleado na magdala muna ng kanilang sariling pagkain at inumin habang sarado ang lounge at canteen sa loob ng labing-apat na araw.
Mahigpit ring ipapatupad ang health protocols sa lahat ng papasok sa gusali
Iginiit naman ni Sotto na hindi nila maaring itigil ang trabaho sa senado sa kabila ng naturang kaso dahil dalawang linggo na lang ang nalalabi ay magbabakasyon ang senado para sa lenten break pero marami pang silang nakapending na trabaho
Gayunman, iiklian aniya ang pagdaraos ng sesyon mula alas tres ng hapon hanggang alas sais ng gabi .
Meanne Corvera