Sen. Bong Go: Dapat limitahan ang mga batang pinapayagang pumasok sa mga mall
Nais ni Senador Christopher Bong Go na limitahan ang edad ng mga batang pinapayagang lumabas at magtungo sa mga business establishment at mga mall.
Sa harap ito ng pagluluwag sa mga health restriction kung saan pinayagan nang pumasok sa mall ang mga bata.
Ayon sa Senador, Chairman ng Senate Committee on Health, bagaman pababa na ang kaso ng nagpopositibo sa virus sa buong bansa, hindi malayong makaranas muli ng krisis ang Pilipinas at magpatupad ng lockdown tulad sa ibang bansa dahil sa muling pagtaas ng mga kaso.
Giit ng Senador hindi pa naabot ang herd immunity kaya hindi pa dapat magpaka-kampante ang publiko.
Gayunman dapat ng ipaubaya na sa Inter-Agency Task Force ang pagpapasya hinggil dito
Nauna nang nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Mayors noong nakaraang linggo at nagkasundong ipaubaya sa IATF ang pagpapalabas ng patakaran hinggil sa pagpasok ng mga bata sa mall o kayay limitahan ang edad ng mga maaaring papasukin.
Meanne Corvera