Sen. Bong Go sinuportahan ang panawagan ni PRRD na magpa-booster vs COVID-19
Sinang-ayunan ni Senate Committee on Health Chair at Senador Bong Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpaturok ng booster laban sa COVID-19 ang mga kuwalipikado bilang dagdag na proteksyon laban sa sakit.
Ang apela ay ginawa ng pangulo sa kanyang Talk to the People address dahil mababang bilang ng mga tumanggap ng booster shots.
Ayon kay Go, ang mga nabakunahan at tumanggap ng booster shot ay malaki ang tiyansa na hindi tamaan ng severe case ng COVID base sa mga datos.
Ang pakikiisa aniya sa national vaccination program ay makatutulong sa mga healthcare workers at iba pang frontliners at pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga ito.
Sinabi ng senador na ang bakuna ang tanging solusyon para makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mamamayan.
Aniya ang pagpapabakuna at pagsunod sa health protocols ay parte ng pagiging responsableng mamamayan.
Dapat din aniyang manatiling mapagbantay at mag-ingat para hindi muli tumaas ang kaso at hindi bumagsak ang healthcare system.
Madelyn Moratillo