Sen. de Lima, hindi nakasunod sa panuntunan ng pagpapa-notaryo ayon sa SC
Hindi nakasunod si Senadora Leila de Lima sa panuntunan sa pagpapa-notaryo.
Sa ikatlong round ng oral arguments ng Korte Suprema, ipinunto ni Justice Presbitero Velasco na lumabag sa 2004 rules on notarial service si de Lima dahil nilagdaan nito ang notarized document ng kanyang petisyon nang wala sa harapan ng kanyang notaryo na sina Atty. Ma. Cecille Cabalo.
Batay mismo sa affidavit ni Cabalo na bago pa man niya malagdaan ang petisyon at makaharap si de Lima sa tanggapan ng CIDG sa Kampo Crame noong February 24 ay may lagda na ni de Lima ang kanyang pleading.
Sinabi ni Justice Velasco na sa ilalim ng 2004 Rules on Notarial Service dapat na pirmahan ang petisyon sa mismong harap ng notary officer.
Sa kanya namang opening statement sinabi ni Solicitor General Jose Calida iginiit nito na nalabag din ni de Lima at ni Atty.Cabalo di lang ang Rules on Notarial Practice kundi lalo na ang Lawyers’ Oath at Canon of Professional Responsibility at maituturing din na indirect contempt of court dahil sa pamemeke ng notaryo sa petisyon.
Ulat ni : Moira Encina