Sen. Drilon, kumbinsidong may tangkang whitewash at cover up sa imbestigasyon sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may tangkang whitewash at cover up sa imbestigasyon sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos.

Tinukoy ni Drilon ang kabagalan ng PNP at DOJ sa pagpoproseso ng kaso laban sa mga pulis gayong malinaw na ang mga ebidensya na mag uugnay sa kanila sa krimen.

Katunayan aniya ang pagtanggi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magsagawa ng preliminary investigation sa kaso ni Kian gayong dapat nagpapakita ito ng impartiality.

Nangangamba si Drilon na matulad ang kaso ni Kian sa kaso ng mga pumatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa na kahit nakasuhan ng murder ay napalaya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *