Sen. Escudero, itinanggi na siya ang nagsulong para bigyan ng honorary doctorate degree ng UP si Pang. Duterte
Pinabulaanan ni Senador Francis Escudero na siya ang nagsulong para mabigyan ng honorary doctorate degree ng University of the Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Escudero ang isa sa mga sinisisi ng grupong Akbayan na umano’y nagsulong para mabigyan ng parangal si Duterte.
Ayon kay Escudero, tradisyon na ito ng unibersidad sa mga head of state kasama na ang Chief Justice at Senate President kapag naiimbitahan na maging speaker sa kanilang mga commencement exercices.
Aminado naman si Escudero na madalas na nagiging kontrobersyal at hindi pa naging unanimous ang botohan sa pagbibigay ng honorary degree.
“I did not move but I did not object when it was proposed given that it is a UP tradition that Philippine head of state (including the chief justice and the senate president are offered honorary degrees when they are invited to be a commencement speaker”. – Sen. Escudero
Ulat ni: Mean Corvera