Sen. JV Ejercito, duda sa motibo ni Sen. Trillanes na pa-imbestigahan ang Benham Rise issue
Duda si Senador JV Ejercito sa motibo ng pagpapaimbestiga ni Senador Antonio Trillanes sa isyu ng Benham Rise.
Nauna nang naghain ng resolusyon si Trillanes para ipabusisi sa Senado ang umano’y kasunduan ng Piliinas at China para payagang makapaglayag ang mga barko ng China sa Benham Rise na isa sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Inamin ni Ejercito na desidido siyang magparticipate oras na magpatawag ang Senado ng imbestigasyon, pero umurong siya nang malamang si Trillanes ang nagpapatawag ng imbestigasyon.
“Kung hindi sana si Trillanes ang nagpapatawag ng hearing on Chinese incursions in Benham Rise, interesado sana ako mag participate, If it were not Trillanes who called for the hearing on the Chinese incursions in Benham Rise, I would have been interested in participating.Sa dahilang si Trillanes ang nagpapapatawag, iba ang intensyon at pakay, kaya hindi na ako interesado sa hearing”. – Sen. JV Ejercito
Malinaw aniya ang motibo nito na gibain si Pangulong Rodrigo Duterte at hind ito titigil hanggat hindi napapatalsik sa pwesto ang Pangulo.
Ulat ni: Mean Corvera