Sen. Manny Pacquaio dinaya ayon kay Sen. Trillanes

Naniniwala si Senador Antonio Trillanes na ninakawan ng tagumpay si Sen. Manny Pacquiao nang ideklarang panalo sa bakbakan ang Australyanong si Jeff Horn.

Iginiit ni Trillanes na gaya ng obserbasyon ng marami, si Pacquiao ang panalo sa naturang bakbakan.

Umaasa si Trillanes na makakabawi pa si Pacquaio at magbibigay ng karangalan sa mga Pilipino.

Pero hindi ito pabor sa panawagan na magretiro na si Pacquiao sa boxing.

Hindi naman aniya naapektuhan at nababalanse nito ang trabaho sa kaniyang mga trainings katunayang aktibo pa rin ito sa mga pagdinig sa Senado.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *