Sen. Recto, umapela sa Malacanang na panghimasukan na ang gusot ng LTFRB at TNVS

Umaapela si Senador Ralph Recto sa Malacanang na panghimasukan na ang gusot ng LTFRB at Transport Network Vehicle Service gaya ng Uber at Grab.

Nangangamba si Recto na magkaroon ng transport crisis kapag tuluyang ipinagbawal ang pagbyahe ng Uber at Grab dahil walang prangkisa.

Katwiran ni Recto, mahigit isang milyong pasahero ang nakadepende na sa TNVS mas malaki pa kumpara sa mahigit limandaang libong pasaherong sumasakay sa MRT kada araw.

Si Senador Bam Aquino, naghain na ng Senate Bill 696 o Rideshare Support Company Act na layong i promote ang mas affordable at ligtas na transportasyon gaya ng Grab at Uber.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *