Sen. Trillanes sumulat na sa AMLC para hingin ang bank records ni Pangulong Duterte
Sumulat na sa Bangko Sentral ng Pilipinas si Senador Antonio Trillanes para humingi ng kopya ng bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, mismong si Duterte ang nag anunsyo na inatasan nito ang AMLC na ilabas ang kopya ng kanyang bank transactions.
Dahil dito, sumulat na si Trillanes kay BSP Governor Amado Tetangco na ilabas ang financial records ng Pangulo mula 2006 kung kailan ito nagsimulang maging public official.
Nauna nang ibinunyag ni Trillanes na umaabot sa ₱2.2B ang pera ng Pangulo sa kaniyang bank accounts na hindi nito idineklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities at Networth o SALN.
Ulat ni : Mean Corvera