Sen. Villar nagbantang kakasuhan ang mga opisyal ng Dept. of Agriculture dahil sa overpricing ng bawang
Nagbanta na si Senador Cynthia Villar na kakasuhan ang mga opisyal ng opisyal ng Department of Agriculture dahil sa overpricing ng bawang.
Sa pagdinig ng Committee on Agriculture, kinukwestyon ni Villar kung bakit pumalo na naman sa 200 pesos ang presyo ng kada kilo ng bawang sa merkado gayong aabot lang sa 17 pesos kada kilo kapag inaangkat sa China.
Tila nakikipagsabwatan at mas pinapaboran ng DA partikular na ang Bureau of Plant Industry ang importation at smuggling dahil dito kumikita ang ilang tiwaling opisyal sa halip na solusyunan ang problema sa self food sufficiency.
Sinermunan ni Villar si BPI Officer in Charge Vivencio Mamaril dahil hanggang ngayon walang maayos na seed program gayong may batas na hinggil dito na ipinasa pa noong 1992.
Isa pa sa kinukwestyon ng mambabatas ang umano’y pag-iisyu ng import permit gayong hindi tiyak ang address na napagkalooban ng mga permit.
Nangyari na aniya ito noong 2014 pero mismong ang DA aniya ang pumapatay sa industriya ng bawang sa Pilipinas at nagre-rely na lamang sa garlic kartel.
Bakit kailangan pang umakyat samantalang mas mura at mas malaki ang kikitain ng mga magsasaka kung local produce ang mga produkto.
Ulat ni: Mean Corvera