Senado, binigyan ng dagdag na P20M ang Anti Poverty program ng Office of the Vice President

Inaprubahan ng senado ang karagdagang 20 million pesos ang angat buhay o Anti Poverty program ng Office of the Vice President.

Mismong si Senate Majority leader Vicente Sotto ang nagsulong na maaprubahan ang pondo na nagkakahalaga na ng 443.95 million para sa susunod na taon.

Ayon kay VP Leni Robredo, malaking tulong ang ayuda ng senado dahil hindi na nila kailangang umasa sa pribadong sektor para tustusan ang mga programa na nakatuon sa food security at nutrisyon, housing, rural development, education at rural health care.

Sa ilalim ng programa binibigyan nito ng ayuda ang mga pinaka mahihirap na lalawigan depende sa kanilang pangangailangan na hiwalay pa sa conditional cash transfer sa ilalim ng pantawid pamilyang pilipino program ng gobyerno.

Sa ngayon umaabot na aniya sa 153 komunidad ang kanilang nabigyan ng ayuda o katumbas ng 75 libong mga pamilya.

Wala aniya itong halong pulitika dahil nagbibigay sila ng tulong batay sa itinakdang mga criteria ng OVP.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *