Senado, handang magpatibay ng Augmentation fund para sa Covid-19
Handa ang Senado na magpasa ng contigency fund para solusyunan ang problema sa Coronavirus.
Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na alam ng Kongreso ang pangangailangan ngayon ng mga ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa virus.
Dahil dito, mas makabubuti aniya na magdeklara financial requirements ang mga concerned agencies sa magiging pagtugon sa virus.
Aminado ang Senador na hindi ito napaghandaan ng gobyerno katunayang wala ito sa pinagtibay na 2020 budget.
Kasabay nito, hinimok ni Angara ang Department of Health (DOH) na maging transparent sa pagdedeklara ng mga detalye ng Covid-19 para maiwasan ang pagpapanic ng publiko.
Ulat ni Meanne Corvera