Senado handang magsagawa ng special session para repasuhin ang Oil Deregulation Law
Handa ang Senado na magpatawag ng Special session para talakayin ang hirit ng Pangulo na amyenda sa Oil deregulation law.
Sa harap ito ng nararanasang serye ng oil price increase.
Ayon kay Senate president Vicente Sotto, pabor rin siyang tuluyang ipawalang bisa ang batas para hindi ang mga kumpanya ng langis ang nagdidikta ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa kasalukuyang batas wala aniyang magawa at hindi makakilos ang gobyerno kahit pa patuloy ang pagsirit ng presyo ng oil products na nagbabadya pang tumaas dahil sa girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Tinanggal kasi ang control ng gobyerno para magkaroon ng kumpetisyon ang mga oil companies.
Pagtiyak ni Sotto hindi sila magkakaroon ng problema sa quorum dahil hybrid naman ang set up at maaring dumalo ang mga Senador kahit nangangampanya.
Meanne Corvera