Senado hindi interesado sa panukalang mag-appoint ng mga Bgry. official

Posibleng hindi na maihabol ng Senado ang panukalang maipagpaliban ang Baranggay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Sa kabila ito ng apela ng Commission on Elections na magpasa ng batas sa loob ng susunod na dalawang linggo para malaman kung itutuloy o hindi na ang pagpapa-imprenta ng mga balota.

Pero ayon kay Senador Cynthia Villar hindi kasama ang panukala sa priority agenda ng Senado at hindi rin ito napag-uusapan sa kanilang mga meeting.

Inamin ni Villar na malamig ang mga Senador sa panukala lalo na sa rekomendasyon ng Pangulo na pumili na lang ng mga Baranggay official dahil sa umano’y pagkakadawit ng mga opisyal sa operasyon ng iligal na droga.

Binigyang-diin ni Villar na mas makabubuti ng hold over na lamang ang mga opisyal dahil sila ay inihalal pa rin ng taumbayan.

Nakikita aniya nitong mas magiging magulo kung mag-aappoint sa kabuuang 42 libong mga baranggay dahil magiging usapin pa kung sino ang mag-aappoint at mas marami ang magagalit kung hindi sila mapipili para sa pwesto.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *