Senado, hindi naka-lockdown…nasa restricted access lang -SP Vicente Sotto
Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na hindi naka-lockdown ang Senado.
Ayon sa pinuno ng Mataas na Kapulungan, inilagay lamang sa Restricted access ang Senado dahil sa isasagawang paglilinis at disinfection simula ngayong araw.
Posible aniyang sa susunod na linggo o mas tatagal pa bago mag-resume ang mga pagdinig sa Senado dahil mahaba pa naman ang break sa Senado.
Sinabi pa ni Sotto na nakita na sa CCTV ang mga nakasalamuha ng resource person na nagpositibo sa Covid-19 at ngayo’y sinimulan na ang contact tracing.
Nabatid na noong March 5 isinagawa ang Public Hearing na pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian.
Nauna nang nagpahayag sina Senador Sherwin Gatchalian at Nancy Binay na sasailalim sila sa self-quarantine pero batay sa isinagawang pagsusuri, sinabi ni Sotto na negatibo naman sa virus ang dalawang mambabatas.
“Binago namin yung report namin kahapon, hindi ito lockdown kundi restricted access. Nakita na yung CCTV, puro taga-labas eh, kinokontak na sila pati yung mga tao dun. Pero si Sherwin Gatchalian at Nancy Binay, nagpatest na eh, negative naman sila”.