Senado , hindi pa makapagdesisyon kung sino ang hahawak sa imbestigasyon sa P203-B na estate tax liabilities ng Pamilya Marcos
Hindi pa makapagdesisyon ang Senado kung anong komite ang hahawak ng imbestigasyon sa isyu ng P203 billion na estate tax liabilities ng pamilya Marcos.
May nakapending na Senate resolution 998 si Senador Koko Pimentel na humihiling na ipatawag ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Internal Revenue para pagpaliwanagin sa kabiguang makolekta ang estate tax .
Sinabi ni Pimentel, nakausap niya na sina Senate president Vicente Sotto, Blue Ribbon Chairman Richard Gordon at Senador Pia Cayetano na Chairman ng Ways and Means Committee.
Ang problema hindi pa makakuha ng quorum dahil abala ang mga kapwa mambabatas sa pangangampanya.
Giit ni Pimentel, dapat itong tingnan ng Senado para malaman ang mga kahinaan ng batas kabilang na ang National Internal Revenue Code.
Kwestyon niya bakit walang aksyon ang BIR hinggil dito samantalang may final ruling na ang Korte suprema.
Paglilinaw ng Senador wala itong kinalaman sa politika at ang pagpapatawag ng imbestigasyon ay bahagi ng national interest lalo ngayong kapos ang pondo ng gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda.
Meanne Corvera