Senado hindi pabor sa pagsuspinde ng fuel excise tax
Sa halip na suspindihin ang excise tax, isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbibigay ng tatlong libong pisong ayuda sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Energy, ito lang ang nakikita nilang immediate solution sa patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo.
Mas makakatipid aniya ang gobyerno dahil aabot lang sa mahigit 4 billion pesos ang maaring magastos kung magbibigay ng ayuda sa susunod na limang buwan.
Ang budget para sa ayuda maaari aniyang kunin sa savings ng LTFRB at DOTr.
Maaari naman aniyang magpasa ng supplemental budget ang Kongreso para dito.
Pero dapat paspasan ng LTFRB ang pamamahagi ng ayuda dahil masyado nang lugmok ang mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Sa ngayon habang wala pang resulta ang mga panukalang amyendahan ang Oil Deregulation Law, kailangang gawin ng Department of Energy ang kanilang trabaho ang bantayan at masusing i monitor ang mga gasolinahan na nagsasamantala at agad agad nagtataas ng presyo.
Meanne Corvera