Senado, ipinagpatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring paglusot ng mahigit 600 kilo ng shabu sa BOC

Ipinagpatuloy ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa nangyaring paglusot ng mahigit animnaraang kilo ng shabu sa Bureau of Customs.

Sa kaniyang preliminary speech, kinumpirma ni Senador Richard Gordon, Chairman ng komite na sisimulan na nila ang pagbalangkas ng committee report para irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Customs, may-ari at iba pang nag facilitate ng kargamento papasok ng Pilipinas mula sa China.

Kinabibilangan ito ng may-ari na si Richard Chen.

Dismayado si Gordon dahil tatlong buwan na aniya ang nakalipas mula nang masabat ang iligal na droga, wala pa ring nangyayari sa imbestigason ng Customs, National Bureau of Investigation at PDEA.

Katunayan hanggang ngayon wala pa aniyang nasasampahan ng kaso gayong malinaw ang mga ebidensya na nagkaroon ng importation ng shabu.

Samantala, nagbanta na si Trillanes na ipapa-cite in contempt si Customs commissioner Nicanor Faeldon.

Kinumpronta ni Trillanes si Faeldon kung may katiwalian ba sa Bureau of Customs pero tumangging magsalta ang opisyal.

Naging emosyunal pa si Faeldon at iginiit na pointless na sagutin pa ang tanong ni Trillanes.

Nauna na siyang pinaratangan nito na umano’y nasa gitna ng corruption sa Customs kaya walang saysay kung sasagutin pa ang mambabatas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *