Senado ipinatawag na ang PNP para magpaliwanag sa pagkakapatay kay Kian delos Santos
Ipinatawag na ng Senado ang mga opisyal ng PNP para magpaliwanag sa kaso ng pagpatay sa disi-siete ayos na si kian Lloyd Delos Santos sa Oplan Tokhang sa Caloocan.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Ping Lacson, pinahaharap sa imbestigasyon sa Huebes, alas dos ng hapon ang mga opisyal ng PNP.
Kasama na rito ang mga tauhan ng Caloocan Police na nagsagawa ng raid kung saan napatay si delos Santos.
Batay ito sa mga inihaing resolusyon na pirmado ng labing-apat na Senador na kumokondena sa pagpatay kay delos Santos.
Kasabay nito, nagbanta ang Senado na dadaan sa butas ng karayom ang hinihinging isang bilyong pisong budget ng PNP para sa Tokhang part 2.
Sinabi ni Senate Pro tempore Ralph Recto na kailangan munang ilatag ng PNP kung ano ang mga ginagawa nilang programa para maresolba ang problema sa iligal na droga at bakit lumalala ang patayan sa bansa.
Ulat ni:Mean Corvera