Senado irerekomenda sa Pangulo na ipasuspinde ang operasyon ng mga online sabungan
Hihilingin ng Senado kay Pangulong Duterte na ipasuspinde ang lisensiya ng mga online sabong hangga’t hindi nareresolba ang pagkawala ng tatlumput isang sabungero.
Sinabi ni Senador Ronald Bato dela rosa na Chairman ng Senate Committee on Public Order na maglalabas sila ng resolusyon para hilingin sa pangulo na utusan ang PAGCOR na pansamantalang ipatigil ang e sabong operations.
Sakop nito ang pitong kumpanya na binigyan ng license to operate kabilang na ang
1. Belvedere Vista Corp.
2. Lucky 8 Star quest Inc.
3. Visayas Cockers Club Inc.,
4. Jade Entertainment and gaming technologies, Inc.,
5. Newin Cockers Alliance gaming Corp.,
6. Philippine Cockfighting international Inc at
7. Golden Buzzer, Inc.
Nauna nang sinabi ng PAGCOR na handa silang tumalima kung ipag-uutos ng pangulo.
Sa pagdinig kahapon nadismaya ang mga Senador matapos madiskubre na walang CCTV ang tatlong malalaking sabungan sa Maynila, Laguna at Batangas kung saan nawala ang 31 sabungero.
Ang tatlong sabungan ay pinatatakbo ng Lucky 8 star quest.
Duda naman si Dela rosa dahil milyon ang halaga ng e sabong industry pero walang CCTV.
Nakatakda ang susunod na pagdinig sa March 3.
Meanne Corvera