Senado magdaragdag ng araw ng sesyon para sa pagpapatibay ng pending bills
Magdaragdag ng araw ng sesyon ang senado tuwing Huwebes, para ihabol ang pagpapatibay sa mga panukalang batas na nakabinbin sa mataas na kapulungan.
Ito ang iminungkahi ni Senate majority leader Francis Tolentino, sa isinagawamg ledac meeting at pumayag naman ang mga lider ng kamara at senado.
Sisimulan ito sa pagbabalik ng sesyon sa huling linggo ng Hulyo, na gagawin mula alas-10:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.
Priority Aniya sa tatalakayin dito amg mga nakapending na local bills na inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Kailangan aniya nila itong gawin dahil simula sa Oktubre ay maghahain na ng certificate of candidacy ang mga kandidato, habang sa Pebrero naman ay magsisimula na ang campaign period para sa mga kandidato sa national elections.
Nilinaw ng senador na uunahin nilang ipasa ang panukalang pambansang budget para sa 2025.
Meanne Corvera