Senado, makikipag-dayalogo sa Malacañang para baligtarin ang pag-veto sa Sim card registration bill
Makikipagdayalogo si Senate President Vicente Sotto III sa mga opisyal ng Malacañang para talakayin ang posibleng pagbawi sa pag- veto ng Pangulo sa Sim card registration bill.
Ayon kay Sotto, dapat malagdaan na ang panukala bago matapos ang termino ng Pangulo.
pero maari naman aniyang kumilos ang dalawang kapulungan ng Kongreso para baligtarin ang pag veto ng Pangulo sa pamamagitan ng 2/3 votes.
Iginiit ni Sotto na kung mayroon man aniyang probisyon sa saligang batas na sa tingin ng Malacañang ay unconstitutional, maari naman itong kwestyunin at idulog sa Korte suprema.
Nauna nang naghayag ng kaniyang pagkadismaya si Sotto dahil sa pag veto sa panukala na matagal aniyang isinalang sa debate ng Kongreso.
Meanne Corvera