Senado naglaan ng pondo sa upgrade ng mga ospital para tugunan ang COVID surge
Tiniyak ni Senador Sonny Angara na may sapat na pondi ang mga ospital ng gobyerno para tugunan ang tumataas na kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.
Isa sa tinukoy ni Angara na Chairman ng Senate finance committee ang UP-Philippine General Hospital na nakatanggap ng 510 million na dagdag pondo.
Naglaan rin aniya ng pondo para sa renovation at restoration ng nurses home building at paglalagay ng fire protection system.
Ito’y para hindi na maulit ang nangyaring sunog noong nakaraang taon na nagresulta ng delay sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente may dagdag alokasyon rin para sa East Avenue Medical Center at Lung center of the Philippines para i upgrade ang kanilang pasilidad ngayong dumadami ang nagpapagamot dahil sa pandemya.
Sinabi ni Angara na ginawa ito ng kongreso dahil ang mga government hospitals ang lifeline ng mga mahihirap na pasyente.
Meanne Corvera