Senado nagpasa ng resolusyon na nag-uutos sa PAGCOR na ipatigil ang lahat ng e payment scheme sa lahat ng online sabong
Nagpasa na ng resolusyon ang Senado na nag- aatas sa PAGCOR para ipatigil ang lahat ng E payment scheme sa lahat ng E sabong online gaming.
Si Senate president Vicente Sotto ang naghain ng mosyon matapos lumitaw sa imbestigasyon ng Senado na ginagamit na rin ang ilang E payment scheme tulad ng Gcash at Paymaya para tumaya sa E sabong.
Ayon kay Sotto ito’y habang wala pang resulta ang mga imbestigasyon kung saan napunta at ano na ang nangyari sa mga sabungero.
sakop nito ang e payment sa Belvedere Vista Corp. Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment and Gaming Technologies, inc., Newin cockers alliance gaming corp.,Philippine Cockfighting International Inc. at Golden buzzer, inc.
Sa ngayon kinumpirma ng PNP na aabot na sa 31 katao iniulat na nawawalang mga sabungero.
Inatasan na ni Senador Ronald dela rosa ang PNP na madaliin ang imbestigasyon at papanagutin ang mga nasa likod ng kaso.
Meanne Corvera