Senado nagpatawag ng executive session para talakayin ang bagong batas ng China sa West Phil. Sea
Nagsagawa ng Executive session ang Senate Committee on Foreign Relations para talakayin ang bagong Coastguard law ng China na nagpapahintulot na barilin ang mga foreign vessel na papasok sa inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasama sa humarap sa Virtual executive session si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at mga opisyal ng Deparment of Foreign Affairs.
Nauna nang naghain ng resolusyon si Senator Francis Tolentino na humihiling na paimbestigahan ang isyu sa pangambang magdulot ito ng panganib sa mga mangingisdang pinoy at mga dumadaang foreign vessel malapit sa lugar.
Hiniling na rin ni Senador Risa Hontiveros sa gobyerno na gawin ang lahat ng legal na remedyo at i pressure ang china para matigil na ang panghaharas nito sa mga mangingisda at foreign vessel na dumadaan sa west phil sea.
Meanne Corvera