Senado pinagtibay ang panukalang mabigyan ng Filipino citizenship si Justin Brownlee
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang mabigyan ng filipino citizenship ang Baranggay Ginebra resident import na si Justin Brownlee.
Dalawamput isang Senador ang bumoto pabor sa mga panukalang batas na inakda nina Senador Francis Tolentino, Sonny Angara at Ronald bato Dela Rosa.
Ayon kay Tolentino na nag sponsor ng panukala, taglay ni Brownlee ang katangian ng mga Filipino tulad ng pagiging masipag, may determinasyon at dedikado sa kanyang trabaho.
Si Brownlee ang magiging karagdagan sa Mens National Basketball team na Gilas Pilipinas na lalaban naman sa Fiba Basketball World Cup Qualifiers sa susunod na taon.
Si Brownlee ay 34 taong gulang na may average na 29.9 puntos kada laro, 11 rebounds na kasalukuyang naglalaro sa Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association.
Meanne Corvera