Senado tiniyak na ipapasa ang mandatory sim card registration pagkatapos ng isang pagdinig

Hhindi na palalawakin pa ng Senado ang pagdinig sa panukalang gawing Mandatory ang Sim card registration.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ito’y dahil nagkaroon na nang malalim na pagbusisi ang Senado sa panukala noong nakaraang Kongreso.

Kailangan na aniyang madaliin ang pagpapasa ng panukala dahil sa matinding mga reklamo hinggil sa personalized text scam.

Hindi lang kasi aniya pangalan ang nakukuha ng scammers kundi pati apelyido at baka sa susunod aniya bank records o personal information na.

Bukas itinakda ng Committee on Public services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang panukala para sa Mandatory Sim card registration.

Kasama sa ipinatawag ng Senado ang mga opisyal ng NTC, DICT at Telcos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: